The DLSU Newsletter online

27 AUGUST 2001. VOLUME 33. NUMBER 13. 4 PAGES 

newsletter front page
faculty news
this week at DLSU-Manila
announcements
updates
lasallian thoughts
archives
contact us
inside news

2 guro ng La Salle, pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino

Bilang pagkilala sa mga natatanging galing at kontribusyon sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang pakuldad ng De La Salle University-Manila noong Agosto 17 sa Philippine Columbian Club.

Kinilala sina Dr. Imelda De Castro at Dr. Magdalena Sayas, kapwa miyembro ng Departamento ng Literatura at Wikang Filipino, sa taunang Gawad Surian-Gantimpalang Collantes na may temang intelektuwalisasyon ng Filipino.

Natamo ni De Castro ang ikalawang gantimpala para sa kanyang sanaysay na “Saling Salitang Kompyuter.” Binigyan naman ng Gawad Pagkilala si Sayas dahil sa kanyang mga akda, partikular na ang tungkol sa paggamit ng Filipino para sa agham at teknolohiya. Pinuri rin ang kanyang pag-aaral sa wikang Chavacano.

Samantala, nakabilang sina Dr. Teresita Fortunato, Dr. Clemencia Espiritu, at Dr. Pamela Constantino sa KWF teknikal panel na nagsaayos ng “2001 Revisyon ng Tuntunin sa Ispeling ng Alfabetong Filipino.”

Tinalakay ang dokumento sa isang forum na dinaluhan ng mga manunulat, mga press director ng mga unibersidad, at mga editor ng mga pangunahing dyaryo sa bansa. Kabilang sa mga dumalo sa forum ang ibang mga guro ng La Salle tulad nina Dr. Cirilo Bautista at Dr. B.S. Medina.

Ang resulta ng forum ay ibabahagi sa komunidad ng La Salle sa gaganaping Kumustahan VI sa Agosto 29. Inaasahang dadalo ang mga kasapi ng DLSU System.

back | main

>>

HOME FrontGo to the top of the page
This is best viewed with MS Internet Explorer 4 or Netscape Communicator 4 and above.
You can set your video resolution to 800x600 pixels (16 bit/24 bit color/32 bit) for best results.