DLSU-Manila

De La Salle University - Manila

This content requires the latest Adobe Flash Player & JavaScript must be enabled.
Please install the latest Flash Player plugin, enable JavaScript run-time and restart the browser.
Today is Thursday, September 02, 2010

Announcements

send this page view printer-friendly version largest text size larger text size suggested text size
Home > Announcements > Gawad Isagani R. Cruz

Gawad Isagani R. Cruz

Manunuri ng Aklat–Filipino

Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle

Gawad Isagani R. Cruz
Pinakamahuhusay na Aklat sa Filipino
(2000–2008)

Rasyonal:

Layunin ng Gawad IRC na parangalan ang mga pinakatatanging awtor, manunulat at iskolar na nagsusulong na payamanin ang kaalaman at diskursong Filipino sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng aklat at diseminasyon nito sa madla. Pinabibilis ng mga aklat na ito ang adhikain para sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino at ang pagbubuo ng intelektuwal na tradisyon sa bansa na nakasalig sa sariling wika, kultura at karunungan. Sa pamamagitan ng gawad na ito, makikilala ang mga dakilang aklat ng ating henerasyon at sa mga susunod pang henerasyon at ang mahuhusay na awtor na nagsusulat, tumatangkilik at taas–noong kumikilala sa wikang Filipino.

Mga Tuntunin:

   1.  Ang gawad ay bukas sa lahat ng aklat na nakasulat sa Filipino at nailimbag mula 2000 hanggang 2008.

   2.  Sa pagpapasinaya ng gawad sa taong ito, magkakaroon ng isang pinakamahusay na aklat at dalawang finalist sa bawat kategorya. Hahatiin sa sampung kategorya ang gawad: literatura, wika at pagsasalin, pilosopiya at kritika, humanidades, agham at agham panlipunan, reference, auto⁄biograpiya, journalism, comic book⁄graphic novel, at ispiritwal⁄self–help book.

Klasipikasyon ng mga aklat sa bawat kategorya:


  a.  Literatura
  • antolohiya ng mga tula o maikling kuwento, kuwentong pambata
  • nobela
  • dula, koleksyon ng iskrip pampelikula o pantelebisyon
  • malikhaing sanaysay (creative nonfiction)
  • manwal sa malikhaing pagsulat
  b.  Wika at Pagsasalin
  • manwal sa pagsasalin
  • salin sa Filipino ng aklat ng malikhaing akda
  • salin sa Filipino ng aklat sa iba't ibang disiplina
  • aklat–sanaysay sa wika⁄pag–aaral ng wika
  c.  Pilosopiya at Kritika
  • aklat–sanaysay sa pilosopiya
  • aklat–sanaysay sa kritika
  d.  Humanidades
  • iskolarling aklat sa arkitektura, sining–biswal, teatro, sayaw, pelikula,
    musika, iskultura
  • aklat–sanaysay sa sining at kultura
  e.  Agham at Agham Panlipunan
  • kasaysayan, sosyolohiya, antropolohiya, sikolohiya, agham pampolitika
  • matematika, engineering, agham pangkompyuter, general science
  f.  Reference
  • tesauro, diksyonaryo
  • ensayklopidya, atlas, almanac
  • coffee table book
  g.  Autobiograpiya/biograpiya
  • kuwentong buhay, talambuhay (auto⁄biograpiya)
  • koleksyon ng mga interbyu
  h.  Journalism
  • koleksyon ng mga sinulat sa dyaryo⁄magazin (balita, lathalain,
    kolum, atbp.)
  • investigative journalism
  i.  Comic Book⁄Graphic Novel
  j.  Ispiritwal⁄kontemplatibong aklat⁄self–help book

   3.  Ang mga aklat na papaloob sa sampung kategorya ay susuriin batay sa mga sumusunod na pamantayan:

Orihinalidad at kontribusyon sa larang ng kaalaman 40%
Kontribusyon sa intelektuwalisasyon ng Filipino 20%
Paggamit ng wika, estilo ng pagsulat at editing 10%
Disenyo ng pabalat at kabuuang lay–out 30%

   4.  Maaari pa ring isali ang mga nanalong aklat mula sa ibang gawad o patimpalak.

   5.  Hindi maaaring sumali ang limang miyembro ng Komite ng Gawad Lasalyano sa Filipino na magmumula sa Departamento ng Filipino at mga huradong mapipili mula sa labas ng Pamantasang De La Salle. Mayroong tatlong hurado na uupo sa bawat kategorya. Dalawa sa mga ito ay batikang manunulat⁄kritiko⁄awtor⁄risertser sa Filipino at ang isa naman ay manggagaling sa Komite ng Gawad Lasalyano sa Filipino. Tatawaging Manunuri ng Aklat–Filipino ang mga huradong uupo sa seleksyon ng mga gagawarang aklat.

   6.  Kailangang ipadala ng manunulat⁄awtor⁄publisher ang tatlong kopya ng aklat para makasali sa gawad. Hindi na isasauli ang mga aklat sa mga manunulat⁄awtor o publisher. Magiging pagmamay–ari na ng Manunuri ng Aklat–Filipino at ng Departamento ng Filipino ang mga aklat.

   7.  Tatanggap ng plake ang mga mananalong manunulat⁄awtor at tig–iisang sertipiko ang mga finalist na igagawad sa Disyembre 11, 2009 sa Pamantasang De La Salle.

   8.  Ipadala ang mga kopya ng aklat sa:

      Manunuri ng Aklat–Filipino, Gawad Isagani R. Cruz
      Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle
      2401 Taft Avenue, Manila1004 Philippines


   9.  Kung may katanungan hinggil sa Gawad IRC maaaring kumontak kay

      Dr. Rhod V. Nuncio (rhodnuncio@gmail.com)
      524–4611 loc. 509 ⁄ 552(fax)

   10.  Sa Setyembre 15, 2009 ang deadline ng pagpasa ng mga aklat.

Posted on: 04/27/2009