Malugod po namin kayong inaanyayahang makilahok sa isang pambansang kumperensya, seminar-worksyap sa Filipino na itinataguyod ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila sa pakikipagtulungan ng UP Sentro ng Wikang Filipino. Ang kumperensya, seminar-worksyap ngayong taon na may paksang "Mabunga at Makabuluhang Filipino: Multidisiplinaring Pagtuturo ng/sa Filipino" ay gaganapin po sa Yuchengco, Bldg. ng DLSU-Manila 4th flr., Rm.407-408, sa Mayo 5-7, 2008.
Kalakip ng paanyayang ito ang DepEd at CHED memorandum na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa nabanggit na kumperensya, seminar-worksyap.
Ang rehistrasyon ay nagkakahalaga ng tatlong libong piso (Php 3,000.00). Kasama po sa babayarang halaga ang kit kung saan nakalagay ang sipi ng mga panayam ng mga panauhing tagapagsalita at ilan pang mga gagamitin sa seminar-worksyap, kopya ng aklat na Gabay sa Editing at isa pang aklat na nailathala ng UP Sentro ng Wikang Filipino, isang teksbuk sa Filipino para sa antas na inyong itinuturo mula sa C&E Publications, ilang jornal sa Filipino mula sa Pamantasang De La Salle-Maynila, at tatlong araw na pananghalian, tatlong araw na meryenda sa umaga at sa hapon. Magbibigay po ang Departamento ng Filipino ng 20% na diskuwento sa mga unang magpaparehistro hanggang buwan ng Marso 2008.
Makakatulong nang malaki ang inyong maagang pagtugon gamit ang kaukulang reply slip (pdf/11kb). Para sa iba pang detalye maaari po kayong tumawag kay Ms. Malou Bagona, sekretarya ng departamento sa numerong (02) 5244611 local 509/552 o kaya’y magfax sa (02) 5244611 loc.552 at mag-email sa encaboe@dlsu.edu.ph.
Maraming salamat po!
Kaugnay ng taunang pambansang seminar-worksyap na itinataguyod ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle, isang pambansang kumperensya ang idaraos kaugnay ng temang: "Mabunga at Makabuluhang Filipino: Multidisiplinaring Pagtuturo ng/sa Filipino". Idaraos ito sa Mayo 5-7, 2008 sa Pamantasang De La Salle-Maynila. Nabuo ang ideya ng pambansang kumperensya upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro mula sa elementarya, sekundarya at tersyarya; mga iskolar at mga gradwadong estudyante na gumagamit o nagsusulat sa Filipino na makapagbahagi rin ng kanilang mga ideya, pag-aaral, at pananaliksik kaugnay ng iba't ibang isyung pangwika at panlipunan. Malaki ang paniniwala ng Departamento ng Filipino sa sama-samang pakikilahok at pagkilos para sa ikasusulong at ikauunlad ng wika, diwa, kamalayan, kultura, identidad at disiplinang Filipino. Dahil dito, iniimbitahan ang lahat na makilahok at makibahagi sa pambansang kumperensya sa Filipino.
Ang pambansang kumperensya ay may katangiang inter-disiplinari at multi-disiplinari na naglalayong magsiyasat/magsaliksik, magsuri, at makisangkot sa mga usapin at implikasyong ibinubunsod ng mga hamon sa wikang FILIPINO ng bagong kurikulum sa edukasyon. Layunin din ng kumperensya na kritikal na mapahalagahan ang iba't ibang papel ng Filipino bilang wika at disiplina sa pagpapalawak, pagpapalalim at pagpapaunlad ng kamalayan, kultura, at identidad.
Sasaklawin ng kumperensya ang mga sumusunod na sub-tema:
Maaaring talakayin din sa kumperensya ang iba pang mga isyu at paksa na maaaring kaugnay ng pangkalahatang tema o sub-tema.
Ang petsa ng sabmisyon ng buong papel ay sa Pebrero 29, 2008 Ang buong papel ay hindi kukulangin sa 15 pahina, double space, 12 points font size, Times New Roman. Hindi kasama sa 15 pahina ang bibliografi at mga tala. Hindi rin kasama sa nabanggit na bilang ng pahina ang mga larawan, tsart, litrato at mga katulad nito (kung mayroon man). Maaaring gumamit ng kahit anong teoretikal freymworks o pagdulog/lapit sa pagtalakay sa paksa. Kinakailangang orihinal ang lahat ng papel na ipapasa, di pa nailalathala, at di pa nababasa sa ibang kumperensya.
Ipababatid naman sa Marso 28,2008 kung ang inyong papel ay natanggap. Ang kumpirmasyon ng partisipasyon ay sa Abril 4, 2008. Labinlimang (15) minuto lamang ang nakatakda sa presentasyon/pagbasa ng papel sa kumperensya. Kailangang makapagbayad ng rehistrasyon ang mga magbabasa ng papel. Ililimbag bilang aklat ang koleksyon ng mga papel na mapipili para sa kumperensyang ito. Para sa pagsipi ng mga materyal at sanggunian, gamitin ang MLA format.
Maaaring ipadala ang inyong papel, kasama ang inyong email, cellphone number, telephone number at adres sa:
Departamento ng Filipino
Pamantasang De La Salle - Maynila
2401 Taft Avenue, Manila, 1004
Para po sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa (02) 524 4611 loc 509/552 o mag-email kay:
Evangeline A. Encabo : encaboe@dlsu.edu.ph / banggita@yahoo.com
Lhai Taylan : tayland@dlsu.edu.ph / bongga88@yahoo.com
Ayleen Ortiz : ortiza@dlsu.edu.ph / ayleen.ortiz@gmail.com
Raquel E. Sison-Buban : sison-bubanr@dlsu.edu.ph / rakkisisonb@yahoo.com
| Unang Araw - Mayo 5, 2008 | |
| 7:00 - 8:30 | Pagpapatala |
| 8:30- 9:00 | Pambungad na Programa |
| Panalangin | Prop. Maan Caampued |
| Pambansang Awit | Ms. Ayleen B. Ortiz |
| Bating Pagtanggap | Br. Armin Luistro FSC Pangulo, DLSU-Manila |
| Pagpapakilala sa mga Partisipant | Prop. Evangeline A. Encabo Direktor, Pambansang Seminar 2008 |
| Oryentasyon | Dr. Lhai Taylan Ko-Direktor, Pambansang Seminar 2008 |
| 9:00-10:00 | Unang Panayam |
| 10:00-10:30 | Malayang Talakayan |
| 10:30-11:00 | Meryenda |
| 11:00- 12:00 | Ikalawang Panayam |
| 12:00 -12:30 | Malayang Talakayan |
| 12:30-1:30 | Tanghalian |
| 1:30-2:30 | Ikatlong Panayam |
| 2:30-3:00 | Malayang Talakayan |
| 3:00-3:15 | Meryenda |
| 3:15- 4:15 | Ikaapat na Panayam |
| 4:15-4:45 | Malayang Talakayan |
| 4:45-5:00 | Sintesis Prop. Ramil Correa Fakulti, DLSU-Manila |
| Modereytor: Prop. Nonon Carandang |
|
| Ikalawang Araw - Mayo 6, 2008 | |
| 8:00-8:30 | Pagpapatala/Sosyalisasyon |
| PAKITANG-TURO | |
| 8:30-9:00 | Elementarya Dr. Ruby Alunen Fakulti, DLSU-Maynila |
| 9:30-9:45 | Malayang Talakayan |
| 9:45 - 10:15 | Hayskul Prop. Gene Gojo-Cruz Fakulti, DLSU-Maynila |
| 10:15-10:30 | Malayang Talakayan |
| 10:30-10:45 | Meryenda |
| 10:45-11:15 | Kolehiyo Dr. Lakangiting Garcia Fakulti, DLSU-Maynila |
| 11:15-11:30 | Malayang Talakayan |
| 11:30 – 12:00 | Worksyap |
| Modereytor: Prop. John Torralba |
|
| 12:00- 1:00 | Tanghalian |
| 1:00-2:00 | Worksyap |
| 2:00-3:30 | Presentasyon ng Awtput |
| 3:30-4:00 | Meryenda |
| 4:00-5:00 | Papoproseso ng ginawang presentasyon |
| Modereytor: Dr. Ert Astorga |
|
| Ikatlong Araw - Mayo 7, 2008 | |
| 8:00 -8:30 | Pagpapatala/Sosyalisasyon |
| 8:30-10:00 | Kumperensiya (Unang anim na Papel) Dalawang magkapanabayang sesyon |
| 10:00 - 10:30 | Meryenda |
| 10:30-12:00 | Kumperensiya (Pangalawang anim na papel) Dalawang magkapanabayang sesyon |
| 12:00-1:00 | Tanghalian |
| 1:00-1:30 | Impresyon ng mga partisipant (Elementarya, Hayskul, Kolehiyo) |
| 1:30-2:00 | Ebalwasyon ng Semimar Prop. Ayie Ortiz Ko-Direktor Pambansang Seminar 2008 |
| 2:00-3:00 | Pagtatapos ng Programa |
| Pangawakas na Pananalita | Dr. Rhoderick V. Nuncio Tagapangulo, Departamento ng Filipino DLSU-Maynila |
| Pagagawad ng Sertipiko, Aklat at Jornal | Prop. Evangeline A. Encabo Direktor Pambansang Seminar 2008 Dr. Lhai Taylan |
| 3:00-3:30 | Meryenda/Raffle |
| Modereytor: Dr. Rakki Sison-Buban |
|