DLSU-Manila

De La Salle University - Manila

My.LaSalle   |  Directories & Maps   |  Students   |  Faculty & Staff   |  Administration   |  Brothers   |  Alumni   |  Athletics
This content requires the latest Adobe Flash Player & JavaScript must be enabled.
Please install the latest Flash Player plugin, enable JavaScript run-time and restart the browser.
Today is Sunday, October 12, 2008

Filipino Department

send this page view printer-friendly version largest text size larger text size suggested text size
Home > Academics > Colleges > CLA > Filipino > Fellowship sa Midya

Fellowship sa Midya

Rasyonal

Inaanyayahan ang mga interesadong manunulat, brodkaster at praktisyoner sa midya (telebisyon, pelikula, radyo, at pahayagan/magazin) para mag-aplay sa Fellowship sa Midya ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila. Layunin ng fellowship na ito na magkaroon ng ugnayan ang midya at akademya, lalo't higit para sa ikakaunlad ng larangan ng pagtuturo at riserts sa midya. Sa pamamagitan nito inaasahang makatutulong ito sa pagpapayaman ng akademikong programa ng departamento, sa mga estudyante at fakulti para sa ugnayang external at gawaing panriserts at sa pagsasakatuparan ng iba pang proyekto na isinasaalang-alang ang kapakanan ng publiko at lipunang Filipino. 

Mga Kailangan

Kompetitibo ang seleksyon ng 2 fellow sa loob ng bawat akademikong taon. Kinakailangang mahusay sa Filipino ang fellow, mayroong limang taon o higit pa ng pagiging praktisyoner sa midya at may personal at profesyonal na integridad.

Kailangang ipadala ng mga interesadong sasali ang mga pangunahing kailangan para sa seleksyon ng fellow:

  1. Transcript of records/diploma (hindi kailangang tapos ng MA o PhD, subalit may adbentahe kung mayroon),
  2. Curriculum Vitae (2-3 pahina),
  3. Kumpletong listahan ng mga akda/produksyon/proyekto sa midya,
  4. Dalawang liham rekomendasyon: isa mula sa immediate superior at ang ikalawa mula naman sa dating naging guro o dekano ng kolehiyo/unibersidad.

Mga Responsibilidad at Kondisyon

Ang fellow ay mabibigyan ng sariling espasyo sa loob ng tanggapan ng departamento na may computer at printer. Tatanggap din ng honorarium ang fellow para sa kanyang partisipasyon o inisyatibong magbasa ng papel, magdaos ng midya-worksyap para sa mga estudyanteng andergrad/grad at fakulti.

Kaugnay nito bilang pagtupad sa kondisyon ng fellowship, kailangang magturo ang fellow sa loob ng isang termino (tatlong buwan) ng isang kursong pangmedyor (3 yunit na klase) sa andergrad o gradwadong programa – AB/MA/PhD Araling Filipino-Wika, Midya, Kultura. Magiging bahagi siya ng fakulti ng Departamento ng Filipino sa panahon ng kanyang fellowship. Tatanggap siya ng kaukulang kompensasyon para sa kanyang serbisyo bilang fakulti. Sa panahong fakulti siya ng departamento, maaari siyang kuning consultant o co-proponent para sa ilang proyektong panriserts ng departamento o ng fakulti tungkol sa midya. Maaari rin siyang magpanukala ng riserts na maisasagawa sa loob ng isang termino (tatlong buwan) sa Research and Publications Office ng Kolehiyo ng Malalayang Sining.

Proseso ng Pagpili

  1. May dalawang deadline sa pagpasa ng aplikasyon:
  2. AY 2008-2009 Panahon ng fellowship Deadline ng aplikasyon
    Unang hati Hulyo-Disyembre 2008 Mayo 30, 2008
    Ikalawang hati Enero-Hunyo 2009 Oktubre 30, 2008

  3. Ipadala ang kumpletong requirement sa:
  4. Fellowship sa Midya
    Departamento ng Filipino
    Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle
    2401 Taft Avenue, Manila 1004 Philippines

    Maaaring i-email din ang aplikasyon sa fildept@yahoo.com.

  5. Binubuo ng limang miyembro ang komite na naatasang pumili ng fellow. Ang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ang permanenteng miyembro ng komite. Ang ikalawa’t ikatlong miyembro ay manggagaling sa departamento, ang ikaapat ay mula sa Kolehiyo ng Malalayang Sining o sa ibang kolehiyo, at ang huling miyembro ay manggagaling sa industriya ng midya.
  6. Para sa unang yugto, ang tatlong miyembro ng komite na mula sa Departamento ng Filipino ang siyang naatasang gumawa ng paunang seleksyon ng mga aplikanteng fellow.
  7. Sa ikalawang yugto, magkakaroon ng interbyu para sa short-list ng tatlong pangalang makakapasok sa seleksyon. Pamamahalaan ng buong miyembro ng komite ang interbyu.
  8. Sa huling yugto magaganap ang deliberasyon at pagpili ng karapat-dapat na fellow.
  9. Kung mayroong katanungan hinggil sa aplikasyon at iba pa na may kinalaman sa fellowship, maaaring mag-email kay:
  10. Dr. Rhod V. Nuncio (nuncior@dlsu.edu.ph)
    Tagapangulo, Departamento ng Filipino

  11. Ipapaalam kaagad ang resulta ng seleksyon isang buwan matapos ang bawat deadline ng aplikasyon.